Thursday, December 13, 2007

Christmas Spirit

It is another year in a foreign country. I missed the Christmas spirit in the Philippines. Ang magulong midnight sales, sa Greenhills at sa kung saan saan, na kadalasan ay nauuwi sa pagbili ng hotdog on a stick. Ang mga rides sa may Manila bay, ang pakikipagsiksikan sa Tutuban at kung saan saan sa paghahanap ng murang pang regalo. Ang mga kakaibang regalo sa ating mga monito at monita. Ang mga taong kahit walang pera ay masaya na ikutan ng ikutan. Ang simbang gabi na kahit kailan ay hindi ko natapos simula lamang at ang katapusang misa. At higit sa lahat ang nalalapit nating 25th year Anniversary celebration, tuloy Christmas party at New Years party. How I wish na sana ay makapunta at makainuman kayong lahat. Batid ko rin na ang ating ibang kapatid na nasa ibang bansa ay nais na makasama at makasalamuha ang lahat na mga utols na pupunta. Sa lahat ng mga Brods at Sis nasa Pilipinas o nasa ibang bansa. Isang masayang pasko sa inyong lahat. At para sa lahat ng utol simula sa Founding members hangang sa pinkahuli sa listahan HAPPY 25TH Anniversary sa ating lahat. Nawa'y dumami tayong lalo at lalong lumakas ang kapatiran. Mula sa isang utol na nagmumukmok at walang kainuman ngayong pasko.

agp 107

No comments: