Wednesday, April 30, 2008

Nag iisip lang

Minsan naiisip ko kung bakit unuubos ko ang aking konting panahon sa pagawa ng BLOG na ito. Di mo ma-iaalis na minsan tinatamad ako at nag iisip kung bakit. Inaasam mo na lang, na sana may silbi naman ang pagawa ko ng blog. At kung minsang tinatamad at walang maisip na ilagay sa blog, sasabihin sa sarili na huwag na lang kaya. Pero paminsan minsan may mga nakikita kang dahilan na ituloy pa rin ang pagawa tulad ng sulat na ito, na nakita at nabasa ko....

....langya nito ko lang nalaman na Brod pala si GERSON DEGANOS (prima duciens), nakita ko kasi name nya sa April Celebrants (dun sa Medicus Blog)...Noong nag moonlight ako sa Casaul General Hospital (Lanting College) madalas akong mag refer dun (ortho cases) tsaka mag assist sa minor procedures (kasi naman may honorarium), tsaka swabe at ok na consultant ...Walanjo!!! medicus brod pala ... ayun pinapakamusta ko na lang sa mga naiwan na resident on duty sa dati kong Hospital (Casaul General Hosp)...Sayang hindi man lang kami nakapag kwentuhan na pang Medicus ... (hindi kasi nagbabasa ng thikler e) meron din mabuting naidulot yung pagbabasa ko ng thickler, kasi naalala ko si Arnel Bondoc... kaya noong rotate ako sa Puerto Princesa (senior intern community medicine 2003) nagpa kilala agad ako kaya nalibre ako ng Meriendicus at nagkakwentuhan na rin kami... yun lang sa uulitin...robin

at kahit isang maikling pansin ay napakalaki na rin para sa isang nag aalanganin sa kanyang ginagawa, tulad nito.

6 Mar 08, 16:05christine: miss u all brods and sis! I am happy doc alex is really sacrificing to bond us all with this site. MOD 405! Godbless

Mga mu-munting dahilan na patunay na may silbi ang pinaghirapan. Sa mga nakaka batid at nag bigay pansin sa aking ginawa, maraming salamat sa inyo. Sana ay may maisip pa akong ilagay at mapahaba pa ang BLOG na ito. Kasi minsan nasasaid na rin ang aking mga kuro kuro at kaisipan kung ano pa ang ilalagay at sasabihin. Sana bigyan ninyo rin ako ng suhestiyon at mga materiales para mailagay dito sa ating blog.

Sa aking palagay ito kasi ang nag sisilbing libro nating mga miyembro sa ating samahan. Ito rin ang nag sisilbing libro ng mga litrato dahil sa haba ng panahon marami sa atin ang hindi na magkakakilala. At yung itsura natin noon ay iba na sa itsura natin ngayon. Sana mag padala naman din kayo ng inyong mga larawan para maidagdag doon sa ating mga larawan na naandito na (mahigit 1200 na ito).

maraming salamat

agp 107

No comments: